DADALO | PRRD, pangungunahan ang information campaign ng federalism – Sec. Medialdea

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea na personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng information campaign ng pederalismo ayon sa Consultative Committee (ConCom).

Sa ipinadalang pahayag, sinabi ni Medialdea na mismong ang Punong Ehekutibo ang nagsabing nais niyang dumalo sa isasagawang information drive.

Sa naturang kampanya, nakatakdang pag-aralan ng ConCom ang 1987 constitution.


Ayon kay Medialdea, naipaalam na ang information drive kay Duterte habang tinatapos ito.

Una nang bumuo ang Malacañang ng inter-agency task force para magsagawa ng nationwide information dissemination campaign hinggil sa pederalismo.

Facebook Comments