DADALO | SC acting CJ Antonio Carpio, dadalo sa SONA ng Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kinumpirma na ni House of Representative Secretary-General Cesar Pareja na dadalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte si Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio.

Una nang sinabi ni Pareja na hindi pupunta si Carpio.

Ayon kay Carpio – bilang kinatawan ng hudikatura ay dadalo sa SONA.


Paglilinaw ni Carpio – hindi lang niya pinaunlakan ang imbithasyo na ipinadala bago pa man mapatalsik si Maria Lourdes Sereno bilang punong mahistrado.

Ang lahat ng mga pinuno ng mga ahensya ng gobyerno ay iniimbitahang dumalo sa SONA.

Facebook Comments