DADATING NA | Imported na bigas, mabibili na sa June 5

Manila, Philippines – Sa unang linggo ng Hunyo darating na sa bansa ang mga imported na bigas.

Ayon kay National Food Authority (NFA) Spokesman Rex Estoperez – mabibili ang mga imported rice sa merkado simula sa June 5 sa halagang P27 hanggang P32 kada kilo.

Balak ng NFA na punan muna ang stock ng bigas sa mga NFA outlet bago ayusin ang bufferstock.


Matatandaang kamakailan lang, sinabi ng NFA na nasasaid na ang stock ng NFA rice sa bansa.

Facebook Comments