DAGAT NG BASURA | Estero de Magdalena sinimulan ng linisin

Manila, Philippines – Pinangungunahan ng Department of Public Service (DPS) at Metro Manila Development Authority (MMDA) ang paglilinis sa Estero de Magdalena sa Tondo Manila dahil halos hindi na nakikita ang naturang Estero sa tambak ng mga basura na itinatapon ng walang mga disiplinang mga residente roon.

Layon ng DPS na maging maayos ang mga daluyan ng tubig sa mga estero sa lungsod kung saan halos hindi na nakikita sa kapal ng mga basura.

Pinaalalahanan din ng Manila City Government ang mga residente na ipatupad ang disiplina sa kani-kanilang barangay upang maiwasan ang mga mangyayaring pagbaha sakaling bumuhos ang mga malalakas na pag-ulan dahil sa tambak na mga basura.


Ilan sa mga nakikitang dahilan ng DPS kung bakit bumabaha ang mga Estero sa Manila ay dahil sa kawalan ng disiplina ng mga residente sa pagtatapon ng basura.

Facebook Comments