Bukod sa hazard pay ay bibigyan pa ng special risk allowance ang medical workers sa mga ospital at health facilities ng gobyerno.
Ipinaloob ito nina senators Grace Poe at Panfilo Ping Lacson sa ipinasang “Bayanihan to Heal as One Act” na nagbibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ng dagdag na kapangyarihan para mabilis na makatugon sa COVID-19 public health emergency.
Pagkilala ito sa serbisyo ng mga doktor, nurse, medical technologists, x-ray technicians at lahat ng mga medical workers na nagsisilbi ngayon sa gitna ng krisis na hatid ng COVID-19.
Bibigyan naman ng 100 thousand pesos ang mga public at private health workers na magkakaroon ng COVID-19 at sasagutin ng philhealth ang 100 percent ng gastos sa kanilang pagpapapagamot.
Samantala, isinulong naman ni Senator Richard Gordon na mabigyan ng 1-million pesos ang pamilya ng private at public health worker na masasawi sa COVID-19.