Dagdag allowance at COVID-19 mass testing para sa mga guro, inihirit

Marami pang hamon na kailangang tugunan ang Department of Education (DepEd) kaugnay ng pagpapatupad ng blended learning ngayong pasukan.

Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, isa sa mga pahirap sa pag-aaral ngayon ng mga estudyante ay ang mabagal at pawala-walang internet connection na siya ring reklamo ng marami sa pagbubukas ng klase kahapon.

Pagdating naman sa modules, hindi pa lahat ay naipapamahagi sa mga paaralan.


Ayon kay Elago, mahalaga rin na makapag-hire ang DepEd ng mga learning support aid lalo’t maraming magulang ang nagtatrabaho o di kaya’y kapos sa kaalaman para matutukan ang kanilang mga anak.

Kasabay nito, tiniyak ni Elago na mahigpit nilang babantayan ang paggasta sa pondong inilaan sa DepEd sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act.

“sa Bayanihan to Recover As One Act, may pondo po para dun sa shift sa new normal na nasa P4 billion tsaka P300 million para sa subsidies sa mga teachers at non-teaching personnel at P600 million para sa mga qualified students. Ngayon, binabantayan natin paano na ba nagugugol yan? Kasi hindi pwede na katulad po nung SAP na mabilis napasa yung batas ngunit hindi ganon kabilis nakarating sa mga nangangailangan,” pahayag ni Elago sa interview ng RMN Manila.

Muli namang ipinanawagan ni ACT Teachers Party-List Rep. France Castro ang pagbibigay ng dagdag na allowance sa mga guro para sa mga gastos nila sa internet habang may ilan na sumasalo pa rin sa mga gastusin sa pagpi-print ng mga modules.

Hiling din ng grupo na magkaroon ng mass COVID-19 testing para sa mga guro.

Facebook Comments