Isinusulong ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na dagdagan ang allowances at iba pang benepisyo ng mga guro.
Sa pagdiriwang ngayong araw ng “World Teachers’ Day”, iginiit ni Villanueva na nararapat lamang na ibigay sa mga guro ang karampatang benepisyo.
Para sa senador, malaki ang kontribusyon ng mga guro sa ating lipunan kaya naman nararapat lamang na bigyan ng pagpapahalaga ang mga ito.
Bukod sa mga bayaning maituturing ang mga guro, ang mga ito rin ay ‘lifeblood’ sa pagtupad ng karapatan sa edukasyon.
Partikular na pinaaaksyunan ni Villanueva ang apat na panukala para sa benepisyo ng mga guro.
Ang mga ito ay dagdag allowance para sa mga guro sa Public Basic Education, state universities and colleges (SUCs) at Technical Vocational Institution, libreng healthcare sa lahat ng SUCs personnel at teaching supplies sa public basic education.
Batid ng senador ang pangangailangan ng mga public school teachers dahil ang parehong mga magulang nito ay mga guro na matagal na nagturo sa pampublikong paaralan.