Tuesday, March 24, 2026

Dagdag ayuda sa transport sector, inaprubahan ni PBBM

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dagdag na fuel subsidy para sa mga tsuper na apektado ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, may basbas na ang pangulo sa karagdagang cash assistance matapos umalma ang ilang driver na kulang ang naunang P5,000 ayuda sa harap ng mababang kita at mataas na gastusin.

Patuloy namang ipamamahagi ang subsidy sa mga driver sa iba’t ibang yugto o tranches sa mga darating na araw.

Nauna nang sinimulan ang pamimigay ng P5,000 subsidy sa mga tricycle driver sa Metro Manila, na susundan ng jeepney at Transport Network Vehicle Services (TNVS) drivers.

Target namang maipagpatuloy ang distribusyon sa mga probinsya matapos ang Semana Santa.

Facebook Comments