Epektibo ngayong araw ng Martes, October 17, 2023 ang dagdag-bawas sa mga presyo ng produktong langis na ipinatupad ng mga oil companies.
Mayroong rollback sa produktong Diesel na P0.90-P1.20 sa kada lito nito, Kerosene na may P0.80-P1.00/L at may pagtaas naman sa kada litro ng Gasoline na P0.70.
Panawagan ng mga Operators ng pampasaherong sasakyan na sana raw ay maging stable na ang presyo ng mga krudo upang hindi na muli mararanasan ang kailan lamang ilang linggong pagtaas ng presyo nito na nakaapekto sa kanilang kita kada araw.
Umaasa rin ang mga ito sa patuloy na rollback, maging para sa mga kabilang sa transport sector ay ang tulong pinansyal umano tulad ng nauna nang naipamahaging fuel subsidy.
Samantala, matatandaan na patuloy ding tinatrabaho ng mga namumuno sa transport sector ang ukol sa pagpapa basurang oil deregulation law upang tuluyan nang mapasakamay ang pagpresyo ng mga produktong petrolyo sa gobyerno. |ifmnews
Facebook Comments