Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

May namumuro na namang taas-presyo sa diesel at kerosene sa susunod na linggo.

Base sa resulta ng unang apat na araw ng trading sa Mean of Platts Singapore (MOPS), tataas ng P0.40 hanggang P0.60 ang presyo ng kada litro ng diesel habang P0.60 hanggang P0.70 sa kerosene.

Posible namang hindi gumalaw o magkaroon ng karampot na rollback sa presyo ng gasolina.


Ang MOPS ay ang ginagamit na basehan sa presyuhan ng petrolyo sa Southeast Asia.

Paliwanag ni DOE – Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, ang inaasahang taas-presyo sa krudo ay bunsod ng paglawak ng gulo sa Middle East lalo na ang patuloy na pag-atake sa Gaza at pag-atake sa mga barko ng langis sa Red Sea.

Facebook Comments