Dagdag–bawas sa presyo ng produktong petrolyo, nakaamba sa susunod na linggo

Posibleng magkaroon ng dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, batay sa apat na araw na oil trading ay posibleng magkaroon ng rollback sa presyo ng diesel at kerosene.

Sa diesel, naglalaro sa ₱0.30 hanggang ₱0.60 ang posibleng bawas presyo sa kada litro habang ₱0.30 hanggang ₱0.50 sa kada litro ng kerosene.


Pero may taas presyo naman ang gasolina na naglalaro sa ₱0.20 hanggang ₱0.45 kada litro.

Nakaapekto sa bawas presyo ng diesel at kerosene ang pagtaas ng inventory ng US crude stocks at posibleng ceasefire sa Gaza, maging ang postponed reduction ng interest rate sa global demand.

Habang ang taas presyo naman sa gasolina ay posibleng dahil sa extension ng supply cut ng OPLEC-Plus ngayong first at second quarter ng 2024

Facebook Comments