Dagdag-bawas sa produktong petrolyo, aarangkada bukas

147

May dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo bukas, August 2.

Magpapatupad ang Pilipinas Shell at Seaoil ng ₱0.75 na bawas-presyo sa kerosene; ₱0.60 sa diesel habang ₱0.75 na dagdag-presyo naman sa gasolina.

Kaparehong oil price adjustment din ang ipatutupad ng Cleanfuel at Petro Gazz maliban sa kerosene.


Ipatutupad ito ng mga kompanya ng langis alas-6:00 ng umaga bukas, maliban sa Cleanfuel na ikakasa alas-8:01 ng umaga.

Samantala, magpapatupad ang Petron ng ₱2.05 per kilogram na rollback sa liquified petroleum gas (LPG) at ₱1.15 sa auto LPG epektibo mamayang hatinggabi.

Habang ₱1.70 per kilogram o ₱18.70 per 11 kilogram na rollback din sa LPG ang ipatutupad ng Easter Petroleum.



Magpapatupad din ito ng ₱0.75 na rollback sa diesel at ₱0.75 na oil price hike sa gasolina.

Facebook Comments