Dagdag-bawas sa singil ng Maynilad at Manila Water, inaprubahan ng MWSS-RO

Inanunsyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) regulatory office na may dagdag-bawas sa singil sa tubig ang dalawang water concessionaires.

Ito ay matapos ang 4th quarter Foreign Currency Differential Adjustment o FCDA para sa singil sa tubig.

Ayon kay MWSS Chief Regulatoy Atty. Patrick Lester Ty, mayroong tariff increase para sa panig ng Maynilad habang tariff rollback naman sa Manila Water epektibo sa October 01, 2025.

Sa talaan para sa Maynilad, mayroong dagdag na ₱0.14 dagdad-singil sa tubig kada cubic meter.

Para sa komukonsumo ng 10 cubic meters o mas mababa pa ay may dagdag na ₱0.60 habang ang 20 cubic meters ay may dagdag na P1.30.

Samantala, ang Manila Water naman ay mayroong rollback na P0.15 kada cubic meter na singil sa tubig.

Ang mga komokunsumo naman ng naman ng 10 cubic meter o mababa ay may bawas na P0.64 na bawas sa singil habang ang 20 cubic meters ay may bawas na P1.43.

Wala namang pagbabago sa singil ng mga enhanced lifeline consumers kaya hinihimok ang mga kwalipikadong consumers na mag-apply.

Facebook Comments