Dagdag benepisyo para sa mga barangay workers at retroactive pay hikes para sa mga LGU employees, isinulong sa Kamara

Kaisa is Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan sa mga mungkahi na bigyan ng dagdag na benepisyo ang mga barangay workers at magpatupad ng retroactive na umento sa sahod ng mga emplyeado ng lokal na pamahalaan.

Sinabi ito ni Yamsuan makaraang isulong ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maisama sa Social Security System (SSS) coverage ang mga opisyal at manggagawa sa barangay.

Una rito ay inihain ni Yamsuan ang House Bill 9976 na layuning amyendahan ang Republic Act 6942.


Ito ay para maisama ang mga barangay tanod, barangay health worker, barangay day care worker, at mga miyembro ng lupong tagapamayapa sa coverage ng death, burial and accident insurance benefits na ipinagkakaloob sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan na walang fixed salaries.

Sa ngayon kasi ay limitado lang sa mga punong barangay, Sangguniang Kabataan chairperson, at iba pang piling barangay officials ang nabanggit na mga insurance benefits.

Samantala, suportado din ni Yamsun ang rekomendasyon ng Department of Budget and Management (DBM) na amyendahan ang mga probisyon sa local government code upang maipatupad ang retroactive salary increases para sa mga mangagawa sa local government units (LGUs).

Facebook Comments