Dagdag benepisyo sa lahat ng mga guro ngayong Teacher’s Month, inihain sa Senado

Isinusulong ni Senator Risa Hontiveros ang dagdag na mga benepisyo para sa mga guro sa buong bansa sa paggunita ngayong buwan ng National Teacher’s Month.

Sa Senate Bill 575 o ang “Healthy Buhay, Healthy Hanapbuhay para sa Guro Act,” bibigyan ang lahat ng guro sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa elementary at secondary schools ng 10 porsyentong diskwento sa mga gamot at essential medical at health products.

Pinalilibre rin sa bayarin ng VAT ang mga bibilhing gamot at health products.

Maliban pa rito, pinabibigyan din ang mga guro ng ilang araw na mental health and wellness leave na hiwalay sa kanilang vacation at sick leaves.

Pinalalaanan din ng special center at hospital wards ang mga guro sa mga public hospital na pinangangasiwaan ng Department of Health o DOH.

Facebook Comments