Dagdag benepisyo sa mga Senior Citizen, pasado na sa special committee ng Kamara

Inaprubahan ng Special Committee on Senior Citizens ang dalawang panukala para sa dagdag na benepisyo ng mga matatanda sa bansa.

Ipinasa ng Special Committee ang substitute bill na layong amyendahan ang RA 9994 o ‘An Act Granting Additional Benefits and Privileges to Senior Citizens’.

Sa ilalim ng panukala ay tatanggap na ng P1,000 na buwanang pension ang mga indigent senior citizen mula sa kasalukuyang P500.


Sakop din ng panukala ang lahat ng senior citizens kahit pa nakatatangap na rin sila ng pension mula sa Social Security System (SSS) or Government Service Insurance System (GSIS).

Aprubado na rin ng komite ang substitute bill para naman amyendahan ang RA 10868 o Centenarians Act of 2016 kung saan nakasaad na ang mga senior citizen na makakaabot sa edad na 100 years old ay mabibigyan ng P100,000 na cash gift.

Sa oras na maging ganap na batas, ang senior citizen na hahantong sa edad na 80, 85, 90 at 95 taong gulang ay makatatanggap ng cash gift na P25,000.

Ang P25,000 na cash gift na ito ay hiwalay pa sa P100,000 na cash gift sa kanilang 100th birthday.

Facebook Comments