Tiniyak ng Department of Health (DOH) na makakatanggap ng dagdag na benepisyo ang mga volunteer health care workers na nasa frontlines laban sa COVID-19.
Bukod pa ito sa 500 pesos daily allowance na unang inanunsyo ng ahensya.
Ayon kay Health Under Secretary Maria Rosario Vergeire, ang mga volunteer health care workers ay makakatanggap ng special wages bilang bahagi ng kanilang kompensasyon sa kanilang trabaho.
Ang mga benepisyong matatanggap ng volunteer healthcare workers ay sumusunod:
- Package na inilaan sa covid referral hospitals
- Daily allowance
- COVID-19 special risk allowance
- Hazard pay sa ilalim ng magna carte for public healthcare workers
- Transportation allowance
- Sagot ng philhealth ang medical expenses (₱100,000 assistance sakaling magkaroon ng kritikal na sakit, at isang milyong piso ang matatanggap ng pamilya sakaling mamatay)
Una nang sinabi ni Vergeire na ang mga volunteer health care workers ay magtatrabaho sa loob ng dalawang linggo, at pagkatapos ay sasailalim naman sa 14 na araw ng quarantine bago payagan muling magtrabaho.
Facebook Comments