DAGDAG-BENIPISYO | PhilHealth premium adjustment, ipatutupad na

Manila, Philippines – Simula Oktubre 1, ipapatupad na ng PhilHealth ang kanilang premium adjustment para sa mga empleyado.

Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, kung dati ay tatlong buwan lang kailangan maghulog ang isang empleyado para makakuha ng benipisyo mula sa PhilHealth ngayon ay siyam na buwan na itong dapat nahulugan.

Kasabay nito, ipapatupad na rin ng PhilHealth ang kanilang expanded primary care benefits kung saan higit 30 milyong miyembro ang makakatanggap ng dagdag-benepisyo.


Ilan sa mga dagdag-benipisyo ay ang libreng medical screening at check-up para sa miyembro o kaya sa kaniyang dependent.

Mayroon ring ilalaan na P800 kada pamilya na miyembro kada taon para sa medical screening at outpatient maintenance na gamot para sa diabetes at hypertension.

Kasama sa mga magbebenipisyo rito ang mga senior citizen pero hindi sakop ang mga person with disability (PWD) dahil nakabinbin pa sa Kamara ang panukalang mapabilang ang PWD sa mga benipisyaryo ng national health insurance program.

Facebook Comments