Dagdag Bonus ng mga Empleyado ng LGU Cauayan City, Naibigay na!

22

*Cauayan City, Isabela- *Naiabot na sa mga palad ng mga empleyado ng LGU Cauayan City ang kanilang sampung libong pisong (10,000.00) karagdagang bonus noong December 28, 2018.

Matatandaan na noong Dec. 15, 2018 ay unang naibigay sa mga empleyado ang 10,000 pesos bilang paunang bonus mula sa nakuhang award ng LGU Cauayan City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Cauayan City Administrator Jose Abad, ang bonus umano ng mga empleyado ay mula sa Program on Awards and Incentive for Service Excellence (PRAISE) ng Civil Service Commission at dahil na rin sa magandang pagganap ng mga empleyado sa kanilang mga tungkulin.

Ayon pa kay Administrator Abad, ang mga bonus ng LGU employees ay mula rin sa savings ng maintenance and operations expenses ng pamahalaang lokal ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments