Manila, Philippines – Hiniling ng Health Justice Philippines sa mga mambabatas na dagdagan pa ang buwis o excise tax sa mga produktong tabako upang mapangalagaan ang puso ng taongbayan.
Ayon kay Dr. Jaime Galvez Tan, miyembro ng Board ng Health Justice Philippines at dating kalihim ng Department of Health (DOH) ang kanyang panawagan sa mga mambabatas ay sa kasunod na rin ng ipinagdiriwang na “World No Tobacco Day” ngayong araw.
Naniniwala si Tan na ang pagbubuwis sa tobacco ay epektibong paraan upang mailigtas ang milyun-milyong buhay sa buong mundo.
Paliwanag ng dating kalihim ng DOH na ang paninigarilyo na mapanganib sa kalusugan ng tao na kadalasang pangunahing sanhi ng cardiovascular diseases kaya at nais ng kanilang grupo na taasan pa ng 60 pesos bawat kaha ng sigarilyo upang mapipilitan ng tumigil sa paninigarilyo ang karamihang Pinoy.