Dagdag buwis sa alak, nakaamba na rin

Manila, Philippines – Nakaambang na ang plano para sa dagdag na buwis sa mga nakalalasing na inumin matapos maipasa sa Kongreso ang dagdag buwis ng sigarilyo.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, “work in progress” na rin ang liquor tax increase na bahagi lamang ng Sin Tax Reform Program ng gobyerno.

Aniya, kailangan lamang munang matalakay ito at maaprubahan ng papasok na 18th Congress.


Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III na magagamit sa pagreporma ng sektor ng kalusugan sa bansa ang anumang kikitain sa sin tax reform bill.

Facebook Comments