𝗗𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚 𝗗𝗢𝗦 𝗢 𝗧𝗥𝗘𝗦 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦, 𝗠𝗔𝗦 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗕𝗢𝗥𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗦𝗢𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗥𝗘 𝗜𝗡𝗖𝗥𝗘𝗔𝗦𝗘

Mas pinaboran ng mga commuters sa lalawigan ng Pangasinan ang karagdagan dos o tres pesos lamang kumpara sa hinihinging limang pisong fare increase.
Ayon sa ilang personal na nakapanayam ng iIFM Dagupan, masyado na raw malaki para sa kanila kung sakaling maaprubahan ang hinihiling na limang pisong dagdag pasahe.
Dagdag pa nila na malaki na nga ang halaga ng pisong idinagdag ngayon, bagamat kung anuman daw ang magiging kautusan ay tatalima naman daw ang mga ito.

Matatandaan na bunsod pa rin ang pagsusulong ng taas singil sa pasahe sa mga pampublikong sasakyan dahil sa hindi stable at tumataas na presyo ng diesel.
Samantala, nakatakdang ang muling pagdinig ng inihahaing petisyon ng transport group sa LTFRB sa darating na Nov 14 pagkatapos maantala ito noon sanang Nov. 9 ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments