Dagdag excise tax sa alak at sigarilyo inaprubahan na ni PRRD

Manila, Philippines – Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapataw ng karagdagang excise tax para sa mga bisyo ng mga Pilipino o ang tinatawag na sin tax.

Partikular ito sa mga alcoholic drink at sa sigarilyo.

Ito ang ginawa ni Pangulong Duterte sa naganap na cabinet meeting kagabi sa Malacañang.


Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, gagamitin ang kikitain ng gobyerno sa Universal Health Care Program para sa mga Pilipino.

Isa din aniya itong public health measure ng pamahalaan para mabawasan ang mga namamatay dahil sa paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Facebook Comments