Dagdag excise tax sa langis, makatutulong sa ilang mahahalagang programa ng gobyerno – DOE

Manila, Philippines – Dumepensa ang Department of Energy (DOE) sa dagdag na excise tax sa produktong petrolyo.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, kailangan ang makokolektang buwis mula sa dagdag na excise tax sa produktong petrolyo para pondohan ang libreng edukasyon, dagdag sahod sa mga public school teacher at sa build build build project ng administrasyong Duterte.

Giit ng kalihim, kailangan ang mga proyektong ito para makalikha ng trabaho at kabuhayan at para mapasigla ang ekonomiya ng bansa.


Facebook Comments