Dagdag-gastos sa mga bilihin dahil sa pagtaas ng presyo ng langis, hindi dapat ipasa sa publiko

Ipinanawagan na sa gobyerno ng Department of Agriculture (DA) na hindi dapat ipasa sa publiko ang dagdag gastos sa mga bilihin dahil sa pagtaas ng presyo ng langis sa bansa.

Ito ay matapos magmahal na ang presyo ng gulay, baboy, manok at isda sa mga pamilihan sa mga pamilihan kung saan nalulugi na rin ang ilang nagtitinda sa palengke.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Noel Reyes, kung may epekto ang presyo ng petrolyo sa mga produktong agrikultura ay hindi dapat ito ipasa lahat sa mga mamimili.


Samantala, sa mga manufactured goods tulad ng sardinas, canned meat at noodles ay maliit na bahagi lamang ng gastos ang petrolyo.

Dahil dito sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Usec. Ruth Castelo na wala pang manufacturers na humihirit ng taas-presyo.

Sa ngayon, wala pang nakikita ang Department of Energy (DOE) na malakihang taas presyo sa susunod na buwan sa produktong petrolyo.

Facebook Comments