Dagdag honararia sa mga guro na nag-overtime nitong eleksyon, kinatigan ng isang senador

Isa si Senator Joel Villanueva sa humihiling sa Department of Education (DepEd) at Commission on Elections (COMELEC) na bigyan ng additional honoraria at allowance ang mga volunteer teacher na nag-overtime lampas sa 8 oras bilang poll workers noong araw ng halalan.

Ito ay dahil sa mga napabalitang nagtagal ang proseso ng pagboto sa ilang mga lugar dulot ng iba’t ibang aberya tulad ng pagsablay ng ilang vote counting machines (VCM).

Giit ni Villanueva, dapat umayon ang allowance ng mga guro sa bigat ng tungkulin na kanilang ginampanan sa halalan.


Diin ni Villanueva, kasama pa rito ang hindi nawawalang banta sa kanilang kaligtasan tuwing araw ng halalan at banta sa kalusugan dahil sa pandemya.

Umaasa si Villanueva na maibibigay ang allowances ng mga guro sa loob ng 15 araw matapos ang halalan, alinsunod sa batas.

Facebook Comments