Manila, Philippines – Upang lubos na maunawaan ng publiko kung ano ang pederalismo
Muli itong tatalakayin ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa isang forum sa Parañaque City.
Tampok sa pulong kung ano ang bentahe ng federalism type of government kumpara sa umiiral na unitary system sa Pilipinas.
Panauhing pandangal si DILG Assistant Secretary Jonathan Malaya Administrador ng Center for Federalism & Constitutional Reform.
Matatandaang sa isinagawang SWS survey noong first quarter ng 2018, 75% nang mga Pinoy ang hindi aware o hindi alam kung ano ang Pederalismo.
Ang Federalism ay isang uri ng pamahalaan na nagbibigay ng eksklusibong pamamahala sa mga rehiyon ng isang bansa mahahati din sa iba’t-ibang estado o state ang bansa kung saan ang mga ito ay may kakayahan at kapangayarihang mamuno ng malaya tulad ng pagpapataw ng buwis at paggawa ng mga sariling batas sa lokal nito.