Sumama na rin ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pag-roll out ng mga programa at aktibidad na magpapaunlad sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Ayon kay DAR Undersecretary for Support Services Emily Padilla, target nila na magkaroon ng dagdag na kita ang mga agrarian reform beneficiaries habang wala pa ang panahon ng anihan.
Sa ilalim ng partnership program, nagkaloob ang DSWD ng alokasyong isang bilyong piso para sa livelihood project proposals.
Gagastos naman ang DAR, P186 million para sa manpower, technical at management skills para sa capacity building training ng mga magsasaka.
Abot sa 36,000 na magsasaka sa may 73 na probinsya ang makikinabang sa “Convergence on Livelihood Assistance for Agrarian Reform Beneficiaries Project” na tatakbo ng tatlong taon.