DAGDAG KITA | Jeepney drivers, kikita ng dagdag na P87 kada araw kapag inalis ang dagdag-buwis sa petrolyo

Manila, Philippines – Para kay Senator Bam Aquino, hindi sapat na suspendihin lang ang dagdag buwis na ipinapataw sa produktong petroyo alinsunod sa Tax reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Reaksyon ito ni Aquino sa report na sa unang bahagi lang ng taong 2019 plano ng pamahalaan na isuspendi ang dagdag ma buwis sa langis.

Giit ni Aquino, sa halip na suspendihin ay dapat tuluyan ng alisin ang excise tax sa langis dahil sanhi din ito ng pagtaas sa presyo ng bilihin.


Diin ni Aquino, kapag inalis ang excise tax sa petrolyo ay magkakaroon ng dagdag na 87-pesos sa kita ng ating mga jeepney driver kada araw.

Ayon kay Aquino, sapat na ito para pambili ng dalawang kilo ng bigas kada araw para sa kanilang pamilya.

Sa Senate Bill No. 1798 o Bawas Presyo sa Petrolyo Bill na inihain ni aquino ay isinulong nito na ibalik sa antas noong December 31, 2017 ang presyo ng produktong petrolyo.

Facebook Comments