DAGDAG KITA PARA SA MGA PUVDRIVERS SA PANGASINAN, SA PAG-IRAL NG DAGDAG PISONG PASAHE

Sa pag-iral ng provisional fare increase ng LTFRB sa mga pampublikong sasakyan at sa kailan lamang na pag-implementa ng nasabing kautusan ng mga PUV operators, dagdag kita rin daw ito para sa kanila.
Matatandaan na noon pang Oct. 8 nang maisakatuparan ang provisional fare increase bilang pagtugon ng ahensya sa apektadong transport sector sa pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Natagalan naman ang ilang mga PUV operators sa pagpapatupad nito sa kanilang mga minamanehong pampublikong sasakyan, dahilan na kinailangan pa ng mga dokumentong nagpapatunay ng nasabing taas pasahe.

Ayon sa ilang operators na nakapanayam ng IFM Dagupan, nasa tatlo hanggang apat na raan na ang maaari nilang dagdag kita lalo na kung tuluyan ng maging stable ang presyo ng mga krudo.
Samantala, mananatili ang nasabing taas pisong pamasahe hangga’t malift ito ng mga mga concerned agencies sa pagtugon sa mga kinakaharap ng isyu ng transport sector. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments