DAGDAG KITA | PRRD, inimbitahan ang mga Jordanian businessmen na magnegosyo sa Pilipinas

Jordan – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga negosyante sa Jordan na handa ang Pilipinas na tanggapin ang kanilang mga negosyo.

Sa business forum na dinaluhan ni Pangulong Duterte sa Jordan ay inimbitahan ng Pangulo ang mga Jordanian businessmen na maglagak ng mas maraming negosyo sa bansa.

Tiniyak din ng Pangulo sa mga Jordanian businessmen na taglay ng Pilipinas ang mga katangiang hinahanap ng mga negosyante o mga investors.


Ayon sa Pangulo, mapayapa ang malaking bahagi ng bansa kaya walang dapat ipangamba ang mga negosyante sa usapin ng seguridad.

Ibinida din ni Pangulong Duterte na magagaling ang mga Pilipinong manggagawa at siguradong makatutulong sa paglago ng kanilang negosyo sa bansa at tiniyak din ng Pangulo ang kita o profit ng nga papasok na negosyo sa Pilipinas.

Magtatayo din aniya si Pangulong Duterte ng isang ahensiya na siyang tutulong sa mga investors na itayo ang kanilang mga negosyo sa Pilipinas upang maging mas mabilis ang proseso ng pagnenegosyo.

At tiniyak din ni Pangulong Duterte na hindi makakaranas ng katiwalian ang mga investors sa bansa at sakaling mayroon ay tiniyak ng Pangulo na pakikinggan niya ang sumbong ng mga negosyante.

Facebook Comments