Dagdag kontribusyon sa mga miyembro ng SSS, ipatutupad na sa Martes

Manila, Philippines – Magiging epektibo na sa March 5 ang dagdag kontribusyon sa mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Ayon kay SSS Vice President for Public Affairs and Special Events Luisa Sebastian – layunin nito na palakasin ang viability ng SSS fund.

Nakasaad sa Republic Act no. 11199, may dagdag na isang porsyento mula sa 11% ay magiging 12% ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro.


Babayaran ng employed SSS member ang 4% kontribusyon habang 8% ang sagot ng employer o kumpanya.

Iginiit naman ng SSS na makikinabang sa mas malaking benepisyo ang mga miyembro dahil sa batas.

Facebook Comments