Dagdag na ₱150 sa sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor, aprubado na sa komite ng Senado

Aprubado na ‘in principle’ ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources ang panukalang batas para sa dagdag na sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.

Tinalakay ngayong araw ng komite ang mga panukalang batas tungkol sa pagtataas ng sweldo kabilang na rito ang Senate Bill 2022 ni Senate President Juan Miguel Zubiri o ang dagdag na ₱150 sa minimum na sahod ng mga nagtatrabaho sa private sector.

Nakatakdang talakayin ng technical working group ang panukalang umento sa sahod kasama na rito ang panukalang graduated wage increase para sa MSMEs.


Umaasa naman si Zubiri na sa loob ng dalawang linggo ay ilalabas na ang committee report sa panukala at target na maaprubahan ang panukalang dagdag na sweldo bago mag-adjourn ang sesyon ng Kongreso sa Hunyo.

Ayon kay Zubiri, isa sa nakitang problema ang napakababang increase o pagtataas sa sahod na karaniwang nasa pagitan lang ng ₱5 hanggang ₱16 gayundin ang napakabagal na pag-aksyon sa problema sa pagtaas ng bilihin na mas lalong nagpapahirap sa ating mga manggagawa.

Facebook Comments