Saturday, January 24, 2026

Dagdag na ₱800 sa minimum wage ng mga kasambahay, malaking tulong ayon sa isang senador

Malaking tulong para sa mga kasambahay ang karagdagang ₱800 sa kanilang buwanang sahod.

Mula sa ₱7,000 kada buwan na sweldo ng mga kasambahay sa National Capital Region (NCR), ay umakyat na sa ₱7,800 ang kanilang minimum wage.

Ayon kay Senator Jinggoy Estrada, pangunahing nagsulong ng Batas Kasambahay, malaking tulong na sa mga kasambahay na itinataguyod ang kanilang mga pamilya ang dagdag na sahod lalo sa harap ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Nangako naman si Estrada na patuloy na paiigtingin at palalakasin ang implementasyon ng batas para maprotektahan ang kapakanan hindi lamang ng mga kasambahay kundi maging ng kanilang employers.

Sa darating na Pebrero naman ipatutupad sa Metro Manila ang dagdag na sweldo sa mga kasambahay.

Facebook Comments