Dagdag na 10 helicopter, 5 high speed water crafts bibilhin ng PNP

Bilang paghahanda sa 2022 Presidential Election dagdagan ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga equipment.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, bibili ang PNP ng sampung helicopters at 50 high speed water crafts na bahagi ng tatlong taong preparation plan ng PNP para sa 2022 Presidential Election.

Layunin aniya ng hakbang nilang itong mas maging payapa at mabawasan ang election related incidents para sa 2022 election.


Sinabi pa ni Albayalde na bahagi rin ng paghahanda sa halalan ay ang pagtatalaga ng mga bagong PNP officials para sa bubuuhing Task Force na karamihan ay mga police generals at senior officers na magreretiro sa 2022.

Facebook Comments