Dagdag na 1,000 bed allocated para sa mga COVID-19 patients, inilaan ng mga pampubliko at pribadong ospital 

Aabot sa 1,042 kama sa pampubliko at pribadong ospital ang nadagdag para sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Ayon kay Treatment Czar and Health Usec. Leopoldo Vega, nagkasundo sila ng mga ospital na maisaayos ang ating health capacity systems.
Aniya, pumayag rin ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na bayaran sa pamamagitan ng credit-debit payment mechanism ang mga ospital ng valid claims hanggang 60 percent.

Maliban dito, sinabi ni Vega na naayos rin nila ang kakulangan ng kama para sa COVID patients sa National Center for Mental Health na aabot sa 960 kama para sa mga may mild at moderate cases.
Naniniwala naman si Vega na malaki ang maitutulong ng dagdag na kama para maibaba sa 75 percent ang Healthcare Utilization Rate (HCUR) sa bansa.
Facebook Comments