Dagdag na 21 pesos na sahod, insulto para sa isang mambabatas

Manila, Philippines – Nainsulto si Anakpawis Rep. Ariel Casilao sa halaga ng dagdag na sahod na ibinigay ng National Capital Region Wage Board para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.

Giit ni Casilao, napakaliit ng 21 pesos wage increase at parang itinuturing naman ng wage board ang mga manggagawa na mga pulubi.

Masyado aniyang nakakiling ang wage board sa interes ng malalaking negosyante.


Inaakusahan nito ang Pangulong Rodrigo Duterte ng pagtataksil at pagtalikod sa mahihirap dahil hindi nito tinutupad ang reporma na ipinangako noong presidential campaign.

Dagdag pa ni Casilao, ang mga mahihirap ngayon ay patuloy na nalulubog sa utang, inflation ng mga presyo sa mga pangunahing serbisyo at bilihin gayundin sa nakaambang na dagdag na buwis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.

Ayon pa kay Casilao, ang kakarampot na dagdag sahod ay hindi sasapat para tugunan ang pang-araw-araw na gastusin ng pamilya.

Facebook Comments