Dagdag na 380 line workers mula Luzon, dineploy na rin sa mga lugar na pinadapa ng Bagyong Rolly upang ibalik ang suplay ng kuryente

Paparating na ang dagdag na tulong sa mga lugar na matinding binayo ng Bagyong Rolly.

Patungo na sa mga lalawigan ng Bicol region, Marinduque at Mindoro ang abot sa 380 line workers mula sa iba’t ibang electric cooperatives na hinugot mula sa Luzon at Visayas.

Bitbit ng mga ito ang 35 na boom trucks at 53 utility vehicles na gagamitin sa power restoration efforts.


Ayon sa NEA DRRMD report, naibalik na ang kuryente sa mahigit isang milyon o 51.87% ng households sa mga coverage areas ng 20 electric cooperatives.

Mahigit isang milyon households pa ang wala pa ring suplay ng kuryente sa Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Albay at Sorsogon.

Facebook Comments