Dadami ang trabaho para sa mga Pilipino sa pagtatapos ng 2024.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga na ito ay dahil sa paglawak ng ecozone sa iba’t ibang lugar sa bansa partikular sa Calabarzon.
Nasa 11 proyekto na ang mayroon sa Calabarzon, habang dalawa naman sa Cebu, at mayroon na rin sa National Capital Region (NCR), Pampanga at sa Central Luzon.
Kaya naman sa pagtatapos aniya ng taong ito ay nasa 60,000 hanggang 80,000 na trabaho ang malilikha.
Umabot na rin sa 179 ang mga naaprubahang expansion projects mula January hanggang September 2024, na makapagpapasok ng 2.5 billion dollar investment.
Kumpiyansa rin ang PEZA na sa huling quarter ng taon ay maaabot ang target na 200-billion peso investment para sa 2024.