Dagdag na alokasyon ng MWSS sa Angat Dam, inaprubahan ng NWRB

FILE PHOTO

Pinagbigyan ng National Water Resources Board o NWRB ang hirit ng Metropolitan Water Sewerage System o MWSS na palawigin pa ang dagdag-alokasyon ng tubig sa Angat Dam para sa mga customer ng Maynilad at Manila Water.

Dahil dito, mula sa kasalukuyang 51 cubic meter per second ay itataas sa 52 cubic meter per second ang alokasyong tubig ng Metro Manila sa Angat Dam simula sa June 16-30.

Paliwanag ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Usec. Primo David, huhugutin ang alokasyon na para sa irigasyon.


Pumayag na aniya rito ang National Irrigation Administration (NIA) lalo ngayong nagsisimula nang umulan at hindi na gaanong kailangan ang tubig mula sa dam.

Facebook Comments