Dagdag na benepisyo at oportunidad sa mga guro, tiniyak na isusulong sa Senado

Patuloy na isusulong ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga panukalang magbibigay ng dagdag na benepisyo at oportunidad sa mga public school teacher.

Sa gitna pa rin ng pagdiriwang ng World Teacher’s Month, siniguro ni Gatchalian ang pagsusulong sa mga panukalang batas para sa mga guro na magtataguyod sa kanilang mga karapatan.

Kabilang sa mga itutulak ng senador na maipasa sa Senado ang Revised Magna Carta for Public School Teachers (Senate Bill No. 2493), ang Career Progression System for Public School Teachers Act (Senate Bill No. 2827), at ang pag-amyenda sa Republic Act No. 7836 o ang Philippine Teachers Professionalization Act of 1994 (Senate Bill No. 2840).


Sa Revised Magna Carta for Public School Teachers pinabibigyan ang mga guro ng calamity leave, special hardship allowance, pagbibigay proteksyon pagdating sa mga out-of-pocket expenses, pagbabawal sa pagpapagawa ng mga non-teaching tasks, pagbawas sa oras ng pagtuturo at iba pa.

Samantala, palalawigin naman ang mga oportunidad para sa mga guro sa kanilang career path, school administration o supervision sa ilalim ng Career Progression System for Public School Teachers Act.

Facebook Comments