Manila, Philippines – Tinututukan naman ng Department of Education (DepEd) ang dagdag benepisyo para sa mga guro.
Ayon kay Education Spokesperson, Asec. Tonisito Umali – bagamat suportado nila na taasan ang sahod ng mga guro ay kailangan itong pag-aralang mabuti kung paano ito maipatutupad lalo’t mayroon ng salary standardization.
Sinabi ni Umali na patuloy pa rin ang pagpapaganda ng benepisyo sa mga guro tulad ng maagang pagbibigay ng performance based bonus bago magpasko.
Tinutulak na rin ng DepEd ang comprehensive social benefits program kung saan ang mga pangunahing benepisyaryo nito ay ang mga gurong sugatan o napatay sa serbisyo.
Facebook Comments