Dagdag na bilang ng mga pulis at sundalo itatalaga ng pangulo sa Negros Oriental

Nakahandang magtalaga ng sundalo at pulis si Pangulong Rodrigo Duterte sa Negros Oriental dahil sa mga nagaganap na patayan.

 

Inihayag ito ng pangulo kasunod na rin ng paninindigan niyang hindi siya magpapatupad ng batas military sa Negros Oriental.

 

Sinabi ng pangulo na halos kaparehas lamang ng batas militar ang paglalagay ng dagdag na pwersa sa Negros Oriental.


 

Una nang nagpadala ng 300 mga kagawad ng Phil National Police Special Action Force o PNP-SAF sa naturang lalawigan matapos ngang magkasunod sunod ang pananabang.

 

Ang rebeldeng grupong New People’s Army ang nakikita ng pamahalaan na nasa likod ng nasabing gulo sa lugar.

Facebook Comments