Dagdag na budget sa Department of Agriculture, pinasisiguro ni Speaker GMA sa Bicam

Manila, Philippines – Pinatitiyak ni House Speaker Gloria Arroyo sa bicameral conference committee na maipapasok ang dagdag na P20 Billion sa pondo ng Department of Agriculture sa ilalim ng 2019 Budget.

Ayon kay Arroyo, kailangang tiyakin ang dagdag na budget sa DA para maipatupad ang mga proyekto at programa na makakatulong sa mga magsasaka at produksyon ng mga ani.

Makakatulong din ito para ma-kontrol ang inflation na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.


Binigyang diin pa ni Arroyo na malaki ang correlation ng alokasyon sa budget para matiyak ang paglago at implementasyon ng mga proyekto ng isang sektor.

Napuna ni Arroyo na mula nang bumaba siya sa pwesto sa pagiging Pangulo ay bumagsak ang budget ng DA.

Sa 2019 ay nasa P123.7 Billion ang alokasyon sa DA, wala pa dito ang itinutulak na dagdag na P20 Billion sa pondo ng ahensya.

Facebook Comments