Inirekomenda ni partido Reporma presidential aspirant Panfilo Lacson ang paglalaan ng malaking budget sa research and development ng marine science ng bansa.
Sinabi ni Lacson na sa ngayon ay lumalabas na nakadepende lamang ang Pilipinas sa google, pagdating sa reasearch and development.
Marami aniya magagaling na Filipino scientists subalit ibang bansa ang nakikinabang sa mga ito dahil sa kawalan ng sapat na budget.
Ginawa ni Lacson ang nasabing rekomendasyon matapos niyang masaksihan ng personal ang sitwasyon sa Pag-asa Island.
Sa kanilang pagtungo sa Isla, naghatid din ang grupo ni Lacson ng mga pagkain sa mga tropa ng pamahalaan na nagbabantay sa karagatan.
Ito ay lalo nat bihira aniya ang mga ito na mabisita kung nagpaabot din ang mga ito ng kanilang pangungulila sa kanilang mga pamilya habang sila ay tumutupad sa sinumpaang tungkulin sa pagbabantay sa teritoryo ng pilipinas.