Umapela si House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda sa papasok na administrasyon ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na itaas ang budget para sa Research and Development (R&D) sector.
Hiling ng kongresista na itaas sa 1% ng Gross Domestic Product (GDP) ang taunang pondo para sa R&D.
Aniya, bagama’t mas mataas ng 18% ngayong 2022 ang budget ng Research and Development sector, kulang pa ito para makatulong sa maraming sektor sa bansa na nangangailangan ng masusing pananaliksik.
Kinakailangang maitaas sa 600% ang R&D sector para masabing ito’y nasa competitive level.
Para makamit ito, 30% ang dapat na iangat sa pondo kada taon sa halip na 18%.
Pinatututukan naman ng kongresista ang pagpapalakas sa Research and Development sa tatlong pangunahing policy areas; ang agriculture, mining and commodities, at energy sector.