Dagdag na calamity fund sa mga typhoon hit areas, inaprubahan ni Pangulong Duterte

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan na calamity response fund sa mga Local Government Units (LGUs) na matinding naapektuhan ng mga nagdaang bagyo.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, sumang-ayon ang Pangulo sa kanyang rekomendasyon na bigyan ng karagdagang Local Disaster Risk Reduction and Management Fund ang mga apektadong LGUs na katumbas isang porsyento sa kanilang Internal Revenue Allotments.

Aniya, magagamit ng mga nasabing LGUs ang karagdagang pondo para sa pagtugon sa pinsalang iniwan ng kalamidad matapos maubos ang calamity fund sa COVID-19 pandemic.


Kabilang sa mga matinding sinalanta ng mga bagyo ay ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Metro Manila at Cordillera Administrative Region (CAR).

Facebook Comments