Garantiya na ang insentibo para sa mga atletang mag-uuwi ng medalya sa SEA Games.
Ayon kay Senador Bong Go, chairman ng Senate Committee on Games and Sports – bukod pa ito sa ibibigay na cash incentives alinsunod sa batas.
Sa ilalim ng Republic Act 10699 o National Athlete and Coaches Benefits and Incentives Act ang gold medalist sa SEA Games ay tatanggap ng P300,000.
Habang ang silver medalist ay tatanggap ng P150,000 at 60,000 naman para sa mga makakasungkit ng bronze.
Maliban dito, gagawaran din sila ng order of Lapu-Lapu bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga atleta sa adbokasiya at kampanya ng administrasyon.
Nito lang Oktubre nang bigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-iisang milyong piso sina Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, champion gymnast Carlos Yulo at champion boxer Nestie Petecio matapos mag-uwi ng gold medal sa nilahukang international event.