Target ng Department of Tourism o DOT na magkaroon pa ng karagdagang direct flights mula iba’t ibang key cities ng South Korea patungo ng Manila.
Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo- Puyat, lumagda sa tourism cooperation ang pamahalaan sa South Korea.
Sinabi ni Puyat na nais nilang matiyak na mas mapapalakas pa ang tourism ties sa pagitan ng South Korea at ng Pilipinas.
Sa ngayon ayon kay Puyat ay may- 14 na flights ang operational na patungong Pinas galing ng Korea kabilang dito ang Daegu-Kalibu-Daegu, Incheon-Bohol-Incheon, at Muan-Clark-Muan.
Isa aniya ito sa maituturing na dahilan kaya at nananatiling biggest source of visitors for the Philippines ang Korea base sa January to September 2019 report ng DOT.
Sa datos pa ng ahensya, 1,450,792 Korean tourist arrivals ang naitala sa nabanggit na panahon o katumbas yan ng 20.97% growth kumpara noong 2018.