Dagdag na disability pension ng mga beterano, pasado na sa Kamara

Tuluyan nang pumasa sa Kamara ang House Bill 7302 o ang “Disability Pension of Veterans Act”.

Sa botong 226 Yes at wala namang pagtutol ay lumusot sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na layong i-rationalize at itaas ang disability pension ng mga beterano na nagkaroon ng kapansanan habang sila pa ay nasa aktibong serbisyo.

Sa ilalim ng panukala, ang mga beterano na nakatatanggap ng P1,000 na pensyon ay itataas na sa P4,500 kada buwan, P5,000 naman sa mga kasalukuyang tumatanggap ng P1,100 na pension disability, P6,100 naman sa mga may P1,200 disability pension kada buwan habang P6,900 naman sa mga may P1,300 disability pension.


Samantala, ang mga beterano na may P1,400 na disability pension ay itataas na sa P7,700; P8,500 naman sa mga may P1,500 disability pension; P9,300 sa mga may P1,600 disability pension at itataas sa P10,000 ang may P1,700 na disability pension kada buwan.

Itataas na rin sa P1,000 ang P500 na pensyon na natatanggap kada buwan ng asawa o anak na menor de edad ng isang beterano.

Facebook Comments